Celiz

Celiz ikinulong dahil rin sa disorderly behavior

Mar Rodriguez Dec 7, 2023
200 Views

Fake news hindi protektado ng Sotto law 

HINDI kasali sa pinoprotektahan ng Sotto law ang source ng fake news at nabilanggo rin si Sonshine Media Network International (SMNI) anchor Jeffrey Celiz dahil sa unruly behavior.

Sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises, tumanggi ang anchor ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Jeffrey Celiz na pangalanan ang kanyang source sa inereng fake news na gumastos umano si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng P1.8 bilyon sa mga biyahe nito.

Ginamit ni Celiz ang Sotto Law o Republic Act (RA) No. 11458 para lusutan sana ang kanyang ikinalat na maling impormasyon sa biyahe ni Speaker Romualdez na hindi naman ginagarantiyahan ng batas.

Pero iginiit ni House Deputy Majority Leader at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez na hindi kasali sa pinoprotektahan ng Sotto law ang source ng pekeng impormasyon.

“Last hearing kasi, inamin na niya (Celiz) na mali ang source niya at humingi na siya ng paumanhin so para gamitin pa iyung Sotto Law is not anymore applicable to him because sinabi na niyang mali. Sabihin na lamang natin kung sino kasi, may kinalaman ito sa relasyon ng Mababang Kapulungan at ng Senado at pati po ang Senado I won’t be surprised kung kayo po ay magpupumilit na hindi magsasabi ng totoo, I won’t be surprised if the Senate might conduct its own inquiry into this matter as well. You already involved the Senate in this misinformation and fake news,” ani Suarez.

Sinabi naman ni Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano na na-cite in contempt rin si Celiz dahil sa unruly behavior.

Ipinaliwanag ni Paduano na may kapangyarihan ang komite na disiplinahin ang resource persons na nagsisigaw sa mga kongresista at nagsasalita kahit hindi naman kinikilalang magsalita.