Ed Andaya

Celtics, Thunder magpapa-siklab sa NBA playoffs

Ed Andaya May 9, 2024
248 Views

SA NBA, inaasahan na ang umaatikabong aksyon sa pagsisimula ng second round ng playoffs sa Eastern at Western Conference ngayong merry month ng May.

Ang Boston Celtics at Oklahoma City Thunder, na kapwa nagtapos bilang No. 1 seed sa regular season, ay bahagya lamang pinagpawisan bago tuluyang winalis ang kani-kanilang mga kalaban sa first round.

Pinadapa ng Boston ang matagal nang karrbal na No. 8 Miami Heat, 4-1, habang pinulbos ng Oklahoma ang No. 8 New Orleans Pelicans, 4-0.

Makakaharap ng Celtics sa second round ang No. 4 Cleveland Cavaliers, na nakalusot sa Orlando Magic, 4-3. Samantala, makakasagupa ng Thunder ang No. 5 Dallas Mavericks, na gumiba sa No. 3 Los Angeles Clippers, 4-1.

Eastern Conference

No. 1 Boston Celtics vs. No. 4 Cleveland Cavaliers

Bagamat hindi pa tiyak kung makalalaro ang Latvian power forward na si Kristaps Porzingis dahil sa dinaramdam na right calf injury, itinuturing pa ding heavy favorite ang Celtics sa gagawing best-of-seven series laban sa Cavaliers.

Inaasahang patuloy na sasandal ang Boston sa 1-2 punch nina Jayson Tatum (26.9 ppg, 8.1 rpg, 4.9 apg) at Jaylen Brown (23.0 ppg, 5.5 rpg,3.6 apg) laban sa Cavaliers.

Makakatulong nila ang mga do-it-all role players na gaya nina Derrick White (15.2 ppg, 5.2 apg, 1.2 spg), Jrue Holiday (12.5 ppg, 5.4 rpg, 4.8 apg) at Al Horford (8.6 ppg, 6.4 rpg) sa pagtatangka na umabante sa NBA finals.

Sa Cleveland, inaasahan din ang kanilang superstar na si Donovan Mitchell (28.7 ppg, 6.5 apg, 5.1 rpg) at backcoiurt partner nito na si Darius Garland (18.0 ppg, 6.5 apg), pati na sina Evan Mobley (15.7 ppg, 9.4 rpg) at Chris Lavert (14.0 ppg, 5.1 apg, 4.1 rpg).

Matindi ang aksyon pero sa playoffs, nakalalamang experience ng celtics.

Prediction: Celtics in 5.

No. 2 New York Knicks vs. No. 6 Indiana Pacers

Sa Knicks-Pacers showdown, lahat ng mga mata ay nakatuon kay Jalen Brunson, na pumang-lima sa MVP race dahil na din sa kanyang mahusay na paglalaro upang dalhin ang Knicks sa No. 2 seed sa Eastern Conference.

Ang 28-year-old point guard mula sa Villanova ay patuloy na nagpapakitang gilas sa kanyang 18.7points, 6.7 assists at 3.6 assists averages sa 77 na laro para sa Knicks, na bahagya lamang naapektuhan ng mga injuries sa mga starters na sina Julius Randle at Mitchell Robinson.

Malaking tulong din sa New York sina RJ Barrett (20.2 ppg, 5.4 rpg), Donte DiVincenzo (15.5 ppg, 22.7 apg) at Josh Hart (9.4 ppg, 8.3 rpg, 4.1 apg).

Tulad ng inaasahan, ang Pacers ay pangungunahan ng “Big Three” nina Pascal Siakam (21.3 ppg, 7.8 rpg, 3.7 apg), Tyrese Haliburton (20.1 ppg, 10.9 apg, 3.9 rpg ) at Myles Turner (17.1 ppg, 6.9 rpg).

Homecourt advantage ang Knicks at nakahanda na si Brunson bilang bagong hari sa world-famous Madison slSquare Garden.

Prediction: Knicks in 6.

Westen Conference

No. 1 Oklahoma City Thunder vs. No. 5 Dallas Mavericks

Youth versus experience ang inaasahang magiging tema ng second-round match ng Thunder at Mavericks.

Gayundin, maaari ding tawagin itong “Battle of MVP” candidates na tatampukan nina Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma at Luka Doncic ng Dallas.

Pumangalawa si Gilgeous-Alexander at pumangatlo si Doncic sa napiling MVP na si Nikola Jokic ng defending champion Denver Nuggets.

Matapos ang 4-0 sweep laban sa Zion WIlliamson-less Pelicans, ang Thunder ngayon ang youngest team sa NBA history na nanalo ng playoff series.

Nakatuon ang pansin ng basketball world sa young Thunder starting five na binubuo nina Gilgeous-Alexander (30.1 ppg, 6.2 apg, 5.5 rpg), 7-1 center Chet Holmgren (16.5 ppg, 7.9 rpg), Jalen Williams (19.0 ppg, 4.0 rpg, 4.5 apg), Josh Giddey (12.3 ppg, 6.4 rpg, 4.8 apg), at Luguentz Dort (10.9 ppg, 3.6 rpg).

Hindi naman basta padadaig ang Dallas, na pangungunahan ng “Deadly Duo” nina Doncic (33.9 ppg, 9.8 apg, 9.2 rpg) at Kyrie Irving (25.6 ppg, 5.2 apg, 5.0 rpg).

Kasama nila ang mga hard-working big men na sina P.J. Washington (12.9 ppg, 5.6 rpg),Daniel Gafford ( 11.0 ppg, 7.6 rpg) at Dereck Lively (8.8 ppg, 6.9 rpg).

Tiyak na pasisiglahin ng Thunder-Mavs series ang playoffs at mapapanood dito ang mga outstanding individual performances ng sikat na mga players ng dalawang team.
Prediction: Thunder in 6.

No. 2. Denver Nuggets vs. No. 3 Minnessota Timberwolves

Matapos muling talunin ang Los Angeles Lakers nina LeBron James at Anthony Davis, haharapin ng Denver at three-time MVP Jokic ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang title defense sa gagawing pakikipagtuos laban sa Minnesota.

Sa lahat, itinuturing ng madaming NBA experts na tanging ang Timberwolves ang may kakayahan na pigilin ang Nuggets at ang kanilang “Fearsome Foursome” na sina Jokic (26.4 ppg, 12.4 rpg, 9.0 apg), Jamal Murray (21.2 ppg, 6.5 apg, 4.1 rpg) , Michael Porter Jr.(16.7 ppg, 7.0 rpg), at Aaron Gordon (13.9 ppg, 6.5 rpg, 3.5 apg),

At bakit nga ba hindi?

Pangungunahan ang Minnesota ng kanilang 22-year-old superstar na si Anthony Edwards, na may averages na 25.9 points, 5.4 rebounds and 5.1 assists sa 79 games.

Kasama niya sina Karl-Anthony Towns ( 21.8 ppg, 8.3 rpg), Rudy Gobert (14.0 ppg, 12.9 rpg, 2.1 bpg), Kia Sixth Man of the Year winner Naz Reid (13.5 pg, 5.2 rpg), at Mike Conley (11.4 ppg, 5.9 apg).

Idagdag pa sina Jaden McDaniels, Nickeil Alexander-Walker at Kyle Anderson.

Prediction: Timberwolves in 6.

NOTES — Happy birthday to Marivic Gan, na nagdiwang ng kanyang special day last Sunday, May 5…
Get well soon sa ating matalik na kaibigang si Dennis Eroa, na dating sportswriter ng Philippine Inquirer
Nakasama din ng inyong lingkod si Eroa bilang vice president ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Para sa mga komento at suhestiyon, mag email sa [email protected]