Sen. Angara

Cha-cha magiging bukas sa publiko

140 Views

TINIYAK ni Senador Juan Edgardo Sonny Angara na magiging bukas sa publiko ang panukalang pag-amiyenda sa economic provisions ng 1987 na Konstitusyon na ipapatupad ng dalawang Kongreso.

Inilahad ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, na siya na nga ang napagkasunduan ng mayorya na mamumuno sa bubuuing subcommittee na tatalakay sa pagrebisa ng economic provisions ng Saligang Batas.

Paliwanag ni Angara, ang Cha-cha na ito ay gagawin sa hindi ordinaryong pamamaraan sapagkat imbes na uupong isa ang Kamara at ang Senado ay magkahiwalay itong magsasagawa ng kanilang botohan at mas mataas ang requirement na kakailanganin.

Sinabi ni Angara na upang makapasa ang anumang probisyon na ilalatag ay kailangan yung 2/3 ang dapat mag approve at makuhang boto sa dalawang Kamara at sa magkahiwalay na botohan.

Ani Angara, ang 2/3 vote, ay mas mataas kumpara sa simple majority vote na kailangan kapag nagpapasa ng isang regular na panukala sa Kongreso.

Dinagdag pa ni Angara ang posisyon ng mga mambabatas sa Senado na dapat bumoto ng hiwalay ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa anumang pag-amiyenda sa Saligang Batas sa kada probisyon na tatalakayin at pagtatalunan.

Si Angara ay naninindigan na dapat aniyang busisiin ng dalawang Kongreso ang gagawin nitong pag-amyenda sa economic provision lalo aniya at hindi pangkaraniwan na trabaho lamang itong pinag-uusapan kundi pag aamyenda ng kataas taasang batas ng bansang Pilipinas.

Aminado rin ang maraming senador na nagdudulot ito ng pagkakahati hati ngunit giniit naman ni Senador Angara maging ang Pangulo ng Senado na si Senate President Miguel Zubiri na ang kapakanan ng bansa at ang ekonomiyang kinakaharap natin ang isa sa pinaka importante bagay ka dapat ikonsidera sa puntong ito.

Noon Lunes, ay pormal ng nag-file na si Zubiri ng resolusyon sa dalawang Kamara na tinawag na RBH (Resolution of Both Houses) No. 6 kung saan ay sinasabing ang Konstitusyon na pinakamataas na batas sa ating bayan ay nangangailangan ang reporma na nakasaad na sa kasalukuyang Public Service Act at pagtitibayin ito upang tuwiran na itong maisagawa.

“Resolved by the Senate and the House of Representatives, by a vote of three-fourth (3/4) of all its Members, each House voting separately, and ursuant to Art. XVII of the Constitution to propose amendments to the Articles XII, XIV & XVI of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.”

Sa kanyang paliwanag, sinabi naman ni Zubiri na kasama dito ang operasyon ng mga pampublikong utilities gayundin ang serbisyo pang edukasyon.

Ani Zubiri, napapanahon na upang maisa-ayos ang kasalukuyang Constitution na hindi aniya nauugma sa kasalukuyan panahon at hindi na rin makasabay sa makabagong teknolohiyang mundo.

“The nation’s economic policy must be reframed under the demands of this increasingly globalized age, while still protecting the general policy of Filipino-first that guides the economic provisions of the Constitution,” nakasaad sa nasabing RBH no. 6.