Barbers

Cha-cha nais isulong ng mambabatas

Mar Rodriguez Sep 30, 2022
203 Views

NAIS isulong ng isang Mindanao congressman ang pagpapabago o pag-amiyenda sa ilang probisyon ng 1986 Philippine Constitution sa gitna ng nakaparaming problema na kinakaharap ng bansa partikular na sa larangan ng ekonomiya.

Ipinahayag ni Surigao del Norte Cong. Robert Ace Barbers S. Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na ang pag-aamiyenda sa Saligang Batas ang nakikita nitong solusyon upang umusad ang bansa partikular na sa larangan ng ekonomiya.

Ikinatuwiran ni Barbers na sa harap ng napakaraming problemang binabalikat ng Pilipinas. Kailangan aniyang pag-aralan at suriing mabuti ang pag-amiyenda sa Konstitusyon dahil sa paniniwala nito na isang malaking balakid sa development ng bansa ay ang mga luma at lipas ng probisyon ng Saligang Batas.

“Sa dami ng problemang ng bansa. Ang isa sa tingin ko na dapat tignan at pag-aralan ay yung pag-amiyenda ng ating Saligang Batas dahil sa aking paniwala, isang balakid na malaki sa development o pag-unlad yung ating Konstitusyon,” sabi ni Barbers.

Sinabi pa ng kongresista na hindi naman lingid sa kaalaman ng kaniyang mga kasamahan sa Kamara de Representantes na may ilang probisyon sa 1986 Philippine Constitution ang kinakailangang baguhin o amiyendahan para makasabay sa kasalukuyan at modernong panahon.

Ayon kay Barbers, ang isa sa mga probisyon na kinakailangang amiyendahan sa Saligang Batas ay ang “economic provision” kaugnay sa mga pag-aari ng isang negosyo tulad ng pagmimina o mining.

Ipinaliwanag ni Barbers na sa industriya ng pagmimina. Tanging ang mga Pilipino lamang ang maaari at pinapayagang magtayo dito sa Pilipinas alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon.