Chua House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua

Chair Chua: Subpoena power ng Kamara ‘karaniwan, naaayon sa batas,’ bahagi ng pananagutan

90 Views

BINIGYANG-DIIN ni Manila Rep. Joel Chua, chair ng House committee on good government and public accountability, nitong Biyernes na ang paglalabas ng subpoena sa mga pagdinig sa impeachment ay isang karaniwan at legal na paggamit ng kapangyarihan ng Kongreso, at iginiit na ito ay “standard, lawful, and part of accountability — not harassment.”

Sinabi ni Chua, na miyembro ng House committee on justice, na ang hakbang ay matibay na nakabatay sa mga kapangyarihang ipinagkaloob ng mga tuntunin ng Kamara de Representantes.

“The House Committee on Justice is well within its powers in issuing subpoenas,” saad ni Chua, at idinagdag niya na “all House committees are vested with this authority under the rules.”

Binigyang-diin niya na ang mga subpoena ay isang “standard legal tool” na ginagamit upang makuha at makumpleto ang ebidensiyang dokumentaryo at testimonial, at bahagi ng pagtiyak na ang record ay kumpleto, beripikado, at maayos ayon sa proseso.

Tinuligsa ni Chua ang mga pahayag na ang paglalabas ng subpoena ay anyo ng pampulitikang panggigipit, at iginiit na ang proseso ay nakaugat sa due process at mga pagdinig na nakabatay sa ebidensiya.

“The issuance of subpoenas is part of due process,” ani Chua. “It strengthens the evidentiary record and ensures that findings are supported by complete and verified information.”

“This is about establishing the full factual picture — not targeting any individual,” saad pa niya.

Kasabay nito, nagbabala ang mambabatas ng Maynila laban sa paggamit sa kapangyarihan ng panel bilang dahilan upang umiwas sa pakikilahok sa mga pagdinig.

“The lawful exercise of subpoena powers should not be mischaracterized as a reason to evade the process,” pahayag ni Chua. “Accountability cannot be sidestepped by questioning procedures that are firmly grounded in law.”

Binigyang-diin niya na ang paghawak ng pampublikong posisyon ay nangangahulugan ng pagiging bukas sa pagsusuri, lalo na sa isang prosesong itinatakda ng Konstitusyon tulad ng impeachment.

“Public office demands transparency and a willingness to face scrutiny,” ani Chua.

Ipinunto rin ni Chua na ang mga pagdinig ay nagbibigay ng wasto at pormal na lugar para sagutin ng Pangalawang Pangulo ang mga alegasyon laban sa kanya.

“The proceedings offer the Vice President a fair platform to respond to the evidence on record,” aniya. “If there are defenses to be raised, this is precisely where they should be presented.”

Nagbabala siya na ang pagtangging makilahok ay maaari lamang mag-iwan ng mahahalagang usapin na hindi nasasagot.

“Non-participation leaves material questions unanswered,” sinabi ni Chua.

Muling iginiit ni Chua ang institusyonal na papel ng Kamara, at sinabing tinutupad lamang nito ang tungkuling itinatakda ng Konstitusyon.

“The House is performing its constitutional duty in the impeachment process,” pahayag ni Chua. “Respecting the process is part of upholding the rule of law and our democratic institutions.”

“This is not harassment — this is the House doing its job,” dagdag ni Chua.