Calendar

Chairman Barbers: Anson Que ransom case isang ‘seryosong banta sa pambansang seguridad’
NAGBABALA si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa pag-launder ng ransom money sa dinukot na negosyanteng si Anson Que gamit ang mga junket operator, e-wallet at cryptocurrency platform, na maituturing umanong banta sa seguridad.
“This is no longer just about ransom—it’s about a vast shadow economy of crime that’s infiltrating and abusing our financial system,” sabi ni Barbers, ang chairman ng House committee on dangerous drugs at ng quad committee, na nagsagawa na ng imbestigasyon kaugnay ng pagdami ng mga kriminal na operasyon na may kaugnayan sa Philippine offshore gaming operation (POGO) na namayagpag noong administrasyong Duterte.
“What we’re dealing with is a deeply entrenched network of foreign syndicates using the Philippines as a safe haven for financial crimes,” dagdag pa ni Barbers.
Pinuri ni Barbers ang Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Rommel Francisco Marbil para sa matagumpay na pagtukoy sa money trail at pagbunyag sa komplikadong money laundering scheme.
“We thank the PNP for its relentless efforts in unmasking this operation. Their work is crucial in the Marcos administration’s fight against transnational syndicates,” aniya.
Sinabi ni Barbers na ipinapakita ng kaso kung paanong nakakasabay na ang mga criminal syndicate para samantalahin ang digital tools at mahinang regulasyon para sa kanilang mga transnational na operasyon, kaya’t kailangang palakasin ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatupad ng batas at kaayusan at lehislasyon.
“The Marcos administration is waging a serious war against criminal syndicates, and this case proves how high the stakes are,” ani Barbers.
Dagdag pa niya: “These criminals are sophisticated, well-financed, and well-connected. They must be met with the full force of the law.”
Ayon sa PNP, ang ransom money ay dumaan sa dalawang junket operators—ang 9 Dynasty Group at White Horse Club—bago ito inilipat sa mahigit 10 e-wallets na pawang mga nakarehistro gamit ang pekeng pagkakakilanlan.
Kalaunan, ang mga pondo ay ginawang cryptocurrency, kaya nahirapan sa pagtukoy at pagbawi.
Isa sa mga e-wallet na ginamit ay pag-aari umano ng isang Chinese national na dating inaresto dahil sa espionage, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Bagama’t hindi pa direktang maiuugnay ang pandurukot at paniniktik, sinabi ni Barbers na nakakabahala ang pagkakaugnay ng mga insidenteng ito.
“These are not isolated incidents. Junkets and POGOs have become channels for money laundering, kidnapping, and possibly even espionage,” ani Barbers.
“It’s a toxic mix that’s endangering the safety of our people and the integrity of our financial and national security systems,” punto niya.
Nagbabala si Barbers na sinasamantala ng organized crime groups ang kahinaan sa digital finance infrastructure ng bansa, kabilang na ang kulang na pagpapatupad ng Know-Your-Customer o KYC regulations ng mga e-wallet at virtual asset providers.
Ayon sa PNP, bagama’t nagawang i-freeze ang humigit-kumulang P4.4 milyon na halaga ng mga overseas accounts, karamihan sa ransom money ay nawala na sa crypto ecosystem.
Isang red notice na ang inilabas para sa mga pangunahing suspek, kabilang si Wenli Gong, na nanguna sa digital laundering ng mga pondo.
Nanawagan naman ang batikang mambabatas sa Kongreso, law enforcement agencies at mga financial regulators na higpitan ang pagbabantay sa junkets, POGOs at mga crypto transaction, dahil kung hindi ay nanganganib na maging kanlungan ng transnational crime ang Pilipinas.
“We must not be complacent. Our sovereignty, our national security, and the safety of our people are at stake. This is a battle we cannot afford to lose,” diin ni Barbers.