Calendar
Chanty unang Pinay na makakasali sa isang K-pop group
ENROUTE sa pagiging bagong miyembro ng isang K-Pop all-girl group in South Korea sa ilalim ng MLD Entertainment na siyang nangangalaga sa popular K-pop group na Momoland at iba pang K-Pop groups ang Pinay na si Chantal Videla. Kapanabayan si Chantal nina Donny Pangilinan, Charlie Dizon, Markus Paterson, Tony Labrusca at iba pa sa Star Magic Batch 2018
Kung sina Donny, Charlie, Markus at Tony ay patuloy na namamayagpag sa kanilang magkakahiwalay na showbiz careers in the Philippines, iba ang magiging direksyon ni Chantal who will be known as Chanty when the new K-Pop girl group is launched within the year.
Sa ngayon ay sumasailalim na si Chanty ng various trainings under MLD Entertainment.
Kung hindi kami nagkakamali, si Chanty ang kauna-unahang Filipina artist na magiging bahagi ng isang K-Pop group in South Korea.
Si Chantal ay huling napanood sa pelikulang “Familia Blondina” in 2019 kung saan niya nakasama sina Kira Ballinger, Marco Gallo at Karla Estrada at sa 2019-2020 TV series na “Starla” na tinampukan nina Judy Ann Santos, Joel Torre, Raymart Santiago, Jana Agoncillo, Meryll Soriano, Joem Bascon at Enzo Pejojero.
Paolo matagal nang hindi nakikita ang mga anak
MATAGAL na ring hindi nakikita ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kanyang tatlong anak na sina Xonia, 12 at Xalene, 11, (sa kanyang ex-wife na si Lian Paz) at si Summer sa dati niyang partner, ang Kapuso actress na si LJ Areyes.
Ikinasal sa isang civil wedding rites sina Paolo at dating member sng EB Babes (ng noontime show na “Eat Bulaga”) na si Lian sa Cauayan, Isabela nung July 20, 2009. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naa-annul ang kasal ng dating mag-asawa kahit hiwalay na sila since 2012.
Ang dalawa nilang anak na parehong babae, sina Xalene Adriana Contis (11) at Xonia Aitana Contis (12). Ang dalawang bata ay nasa pangangalaga ni Lian kasama ang kanyang longtime partner, ang Cebuano cager at businessman na si John Cabahug. May anak na rin ang dalawa, ang 6-year-old na si Nina Angela habang si John ay may isa ring anak na babae, si Maria Alexandria or Lexi sa dati nitong karelasyon. All the four girls ay nasa pangangalaga ngayon nina Lian at John in Cebu.
Sa kabila na hindi pa annulled ang kasal nina Lian at Paolo, nag-propose na si John kay Lian nung February 2021 kaya pursigido ang dating EB Babe member-actress na ipa-annul ang kasal kay Paolo para matuloy ang kanilang kasal ni John na siyang tumatayong ama sa kanyang dalawang anak sa dating mister.
Si Paolo ay may three-year-old daughter sa Kapuso actress na si LJ Reyes na si Summer Ayanna. May 11-year-old son din ang aktres sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino na si Ethan Akio or Aki.
Ang mag-iinang LJ, Aki at Summer ay lumipad patungong New York City in the U.S. nang talikuran ni Paolo ang kanyang mag-ina in favor of a new love, ang kanyang co-star sa pelikulang “Far Away Land” na si Yen Santos. Hanggang ngayon ay nasa Big Apple pa rin si LJ with her two kids at hindi pa alam kung kailan ito babalik sa Pilipinas.
Daryl at Dea ikinasal na
IKINASAL na ang 34-year-old singer na si Daryl Ong sa kanyang singer-actress fiancée na si Dea Formilleza nung nakaraang Sabado, March 12 sa The Emerald Events Place in Antipolo City kung saan dumalo ang ilan nilang mga kaibigan at kapwa singers tulad nina Michael Pangilinan at Liezel Garcia.
It was in July 31, 2021 nang i-share ni Daryl ang engagement nila ni Dea na nakilalala at nakasama niya sa “Pinoy Idol” in 2008.
Si Daryl ay dating cartoonist at animator ng ABS-CBN para sa kanilang first animated series na “Super Inggo at ang Super Tropa” bago siya nag-focus sa singing career. The Kapamilya network took notice of his singing prowess nang siya’y sumali sa “The Voice Philippines” in 2014”. Pagkatapos noon ay naging paborito siyang umawit ng iba’t ibang theme songs ng mga top-rating drama series ng Kapamilya network tulad ng “Stay” ng “On the Wings of Love” TV series na pinagbidahan ng dating magkasintahang James Reid at Nadine Lustre in 2015. Sumunod dito ang “Ikaw” at “Basta’t Kasama Kita” na ginamit sa top-rating ang longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” in 2016, ang “To Love Again” na ginamit sa “Ikaw Lang ang Iibigin” series in 2017 at ang “Sana Dalawa ang Puso Ko” na siyang theme song ng morning TV series na “Sana Dalawa ang Puso Ko” na tinampukan nina Jodi Sta. Maria, Robin Padilla at Richard Yap.
Si Daryl ay nakapag-uwi ng Awit Award para sa awiting “Mabuti Pa” bilang Best Performance By A New Male Recording Artist in 2016.
Winwyn malapit nang manganak
IN a couple of weeks ay nakatakdang isinilang ng actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez ang kanyang magiging first baby na isang girl sa kanyang non-showbiz boyfriend na ayaw niyang ipakilala sa publiko hanggang ngayon .
Teresita Ssen Lacsamana Marquez in real life, si Winwyn ay siyang may tangan ng kauna-unahang Filipina beauty queen and the only Asian na nakapag-uwi ng Reina Hispanoamericana in 2017. Isa rin siyang military reservist ng Philippine Air Force and Philippine Navy.
Since isang private person ang present partner ni Winwyn, ipinahayag naman ng anak ng dating mag-asawang Joey Marquez at Alma Moreno na masaya umano ang kanilang pagsasama lalupa’t malapit na silang magkaroon ng anak. Wala namang ibinabahagi ang actress at dating beauty queen sa kanilang planong pagpapakasal ng kanyang nobyo.
Winwyn admitted her pregnancy at the grand presscon of her 2021 Metro Manila Film Festival movie entry na “Nelia” when she was already five months pregnant.
Condolences
OUR heartfelt condolences to the family of my daughter Aila Marie’s best friend, Ma. Rochelle Anne Frances Gellegani Ignacio (Roxyn) who passed away last Sunday, March 13, 2022 at age 28 at St. Luke’s Medical Center – Global City due to breast cancer which was diagnosed in 2015 when she was about to start her law studies at the Ateneo de Manila University. She finished her pre-law at the University of the Philippines.
Roxyn’s wake is at the Holy Trinity Parish, Village East Executive Homes, Cainta, Rizal. Interment to be announced later.
SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.