Airport SMOKEY LAPTOP–Ang laptop na umusok sa Dumaguete Airport.

Charger isinuksok sa airport outlet, umusok

Jun I Legaspi Jun 24, 2024
110 Views

PINAALALAHANAN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga pasahero na suriin ang kanilang mga gadgets bago isaksak sa mga airport outlets kasunod ng pagkasunog ng charger ng isang pasahero sa Dumaguete Airport noong Hunyo 23.

Sa report ng CAAP Area Center 7, alas-8:23 ng gabi ng umusok ang laptop habang naka charge sa electrical outlet sa departure area ng airport.

Rumesponde ang CAAP security at ginamitan ng fire extinguisher ang nasunog na charger kaya naapula matapos ang dalawang minuto.

Dahil sa matapang na amoy ng usok, 160 pasahero ang inilikas sa ramp area at pinabalik sa pre-departure area bandang alas-8:40 ng gabi.

Walang naapektuhang byahe ng eroplano.

Pinayuhan ng CAAP ang publiko na maging vigilant sa kanilang electronic gadgets na dala nila sa mga paliparan at payagan itong maimpeksyon upang matiyak na nasa maayos na kondisyon.