BBM

CHED inatasan ni PBBM na tugunan kakulangan ng nurse

161 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Commission on Higher Education (CHED) na gumawa ng mga hakbang upang matugunan ang kakulangan ng nurse sa bansa.

“We have to be clever about the healthcare manpower. Our nurses are the best,” sabi ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong nito sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector group. “Lahat ng nakakausap kong President, Prime Minister, ang hinihingi is more nurses from the Philippines.”

Sinuportahan ng Pangulo ang panukala na magpatupad ng ladderized program para sa mga nurse upang mapalakas ang health sector ng bansa.

Sinabi naman ni CHED Chairperson Prospero de Vera III na mayroong mga ginagawang hakbang ang ahensya para madagdagan ang bilang ng mga nurse gaya ng retooling sa mga hindi pa nakakapasa sa board.