Carlos

China inaprubahan P19B utang para sa Samal Island-Davao City Connector

159 Views

NAGPAUTANG ang China ng P19.32 bilyon sa Pilipinas para sa pagpapatayo ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC).

Pinagtibay nina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Finance Secretary Carlos Dominguez III ang kasunduan para sa pagtatayo ng 3.86 kilometrong tulay na daraan sa Pakiputan Strait.

Kasama ang proyekto sa Build, Build, Build infrastructure program ng Duterte administration.