Tsino

Chinese nat’l idedeport dahil sa money laundering

Jun I Legaspi Apr 17, 2026
68 Views

Tsino1ISANG babaeng Chinese ang nahaharap sa deportasyon matapos maaresto ng mga Bureau of Immigration (BI) agents dahil sa money laundering noon pang Marso 7.

Inaresto sa Arnaiz Avenue, Makati City si Xu Yinling, 35, batay sa mission order na inilabas ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Si Xu ay may detention warrant mula sa Beilun branch ng Ningbo Public Security Bureau sa China noong Marso 24, 2022 para sa kasong money laundering.

Si Xu, kasama ang ilang kasabwat, ay naglilipat ng mga ilegal na kita sa pamamagitan ng underground banking channels bilang bahagi ng operasyon sa money laundering.

Batay sa tala ng BI, lumipat siya sa Pilipinas upang takasan ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

“Hindi natin papayagan ang mga pugante na gamitin ang bansa upang takasan ang kaparusahan sa kanilang mga krimen,” ani BI Commissioner Joel Anthony Viado.