LTO

LTO nag-impound ng sasakyan na sangkot sa drag racing

39 Views

IN-IMPOUND ng Land Transportation Office ang sasakyang iniuugnay sa Smoke Machine PH, isang page na ayon sa ahensya ay nagpo-post ng mga video na nagpo-promote ng illegal drag racing.

Ayon sa LTO, bahagi ang impounding ng kampanya laban sa paggamit ng pampublikong kalsada para sa drag racing.

Natukoy ang sasakyan bilang isa sa mga tampok sa mga content na inilabas ng naturang FB page.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng Law Enforcement Service at Intelligence and Investigation Division ng ahensya.

Ayon sa ahensya, ang pag-impound ay kasunod ng nauna nitong resolusyon laban sa 15 indibidwal na sangkot sa kaparehong insidente.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na patuloy nilang hahabulin ang mga gumagamit ng pampublikong kalsada para sa illegal racing.

“We will continue to run after those who use public roads for illegal racing. This behavior will not be tolerated,” sabi ni Lacanilao.