Chito5

Chito nagdusa kay Kristine

Vinia Vivar Oct 26, 2024
89 Views

Labis-labis ang kaligayahan ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda na kapiling na niya ang kanyang pamilya ngayon matapos ang hirap na pinagdaanan dahil sa bagyong Kristine.

Matatandaang na-stranded ng ilang araw ang Parokya ni Edgar sa Sorsogon after ng show nila last Monday dahil sa pananalasa ng bagyo.

Finally, nakauwi na nga si Chito sa kanyang pamilya na na-miss niya ng ilang araw.

Nag-post ang asawa ni Neri Naig ng larawan kasama ang anak na katabi niyang natutulog.

Sa caption ay ibinahagi niya ang mga hirap na dinaanan niya because of the super-typhoon at kung paano sila nakauwi.

“After being stranded for days in Sorsogon, after attempting to land thrice in Manila, and being temporarily redirected to Kalibo, and after being stuck sa SLEX for more than 4hrs dahil sa baha, sa wakas, bahay na ko,” ani Chito.

Kasunod nito ay pinasalamatan niya ang mga tumulong sa kanila pero siyempre, una rito ang pasasalamat kay Lord na nakauwi sila nang ligtas.

“Thank You, Lord, for keeping us safe and healthy, and for bringing us back home safely to our families. You Da Best.

“Salamat sa family na kumupkop at nag-alaga sa amin sa Sorsogon (maraming salamat po).

“Salamat sa Captain at sa Crew ng flight namin for making sure that everyone was safe and comfortable during the 45min flight na naging 5hrs. (at sa nagpahiram sa akin ng powerbank para ma-update ko si Neri).

“Salamat sa mga kabanda ko, at sa TopBeat Crew at Soundcheckers for making everything feel like an adventure.

“Salamat din sa mga nanood sa gig namin nung Monday kahit bumabagyo… sana safe and healthy kayo lahat,” saad ni Chito.

Aniya pa,“Sobrang saya ko talaga na nasa bahay na ‘ko kasama ng pamilya ko.”