Calendar
Chiz: Moratorium sa student loans napapanahon
SUPORTADO ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero ang batas na nagtatakda ng moratorium sa pagbabayad ng student loans tuwing may sakuna at iginiit na isang napapanahong hakbangin ito ng pamahalaan upang mabawasan ang bilang ng mga estudyanteng tumitigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera.
Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes, Disyembre 6, 2024, ang Republic Act Number 10277 o ang Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act. Layunin ng batas na ito na magbigay ng tulong sa mga estudyante, lalo na sa mga mahihirap, upang maipagpatuloy nila ang pag-aaral kahit pa matapos ang isang sakuna.
“We are currently experiencing a higher frequency of weather disturbances that are more intense and destructive. We always see the destruction caused in the aftermath of these calamities, but we often miss the other victims, the students, many of whom end up sacrificing their future because of these disasters,” ayon kay Escudero, co-author at sponsor ng Senate Bill No. 1864 noong siya ang tagapangulo ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education.
Nagbibigay ang batas ng moratorium o pansamantalang pag-freeze ng pagbabayad ng student loans ng mga mag-aaral sa kolehiyo at vocational education programs kung ang lugar ng kanilang paaralan ay saklaw ng isang deklarasyon ng state of calamity, ayon sa national o local government.
Saklaw nito ang lahat ng bayarin, interes, at iba pang gastusin na may kinalaman sa student loans na kinuha para sa higher education at TVET programs. Kabilang dito ang mga utang na pinangangasiwaan ng mga institusyon ng higher education, technical-vocational schools, UniFAST Board, Commission on Higher Education (CHED), o iba pang ahensya ng gobyerno.
“Just to be clear, this is not loan forgiveness but a payment freeze for the duration of the declaration of a state of calamity or emergency and for another 30 days after its lifting,” paglilinaw ni Escudero.
Tinitiyak naman ng batas na ang mga estudyanteng isasailalim sa moratorium ay hindi maaapektuhan ang eligibility para sa re-enrollment o graduation. Wala ring ipapataw na multa o interes sa mga obligasyon na ipinagpaliban, at hinihikayat din ang mga paaralan na magbigay ng magaan na paraan ng pagbabayad o iba pang tulong para sa mga apektadong mag-aaral.
“This law adheres to the spirit of ‘damayan’ among Filipinos. It is the obligation of the government to ensure that each and every child has access to education and to find ways to remove any obstacles that stand in the way of her or his full education,” ani Escudero.