Chooks-to-go Nagkasundo muli sina Chooks-to-Go President Ronald Mascariñas at FIBA 3×3 Head of Events and Partnerships Ignacio Soriano para sa five-year partnership sa 3×3 basketball.

Chooks-to-Go, FIBA 3×3 tuloy ang tambalan

Robert Andaya Mar 22, 2022
321 Views

TULOY ang partnership ng Chooks-to-Go at FIBA 3×3.
Ito ang tiniyak nina Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas at FIBA 3×3 head for events and partnerships Ignacio Soriano matapos lagdaan ang kasunduan sa Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City kamakailan.
Ang nasabing five-year deal ay nagbibigay pahintulot sa Chooks-to-Go bilang global partner ng FIBA 3×3.
“We are truly honored to be given the privilege to be the global partner of FIBA 3×3. We will be their partner in their global activities, especially in Southeast Asia,” pahayag ni Mascariñas.
Naging masaya din si Soriano sa naging kasunduan
“Since the very beginning, Chooks-to-Go was considered as very close friends. Now with the global partnership, you are considered as a brother,” sabi ni Soriano, na bumisita pa ng bansa para i-anunsyo ang kanilang global partnership.
“Now, we are in the same family. We are extremely excited about this partnership. It’s not only about the events but also about the development of 3×3 basketball in the whole region and not just the Philippines,” dagdag pa ni Soriano.
Una dito, naging kinatawan ng Pilipinas ang Chooks-to-Go sa FIBA 3×3 World Tour circuit sa nakalipas na tatlong taon.
Sa partnership na ito, ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3, na siyang nag-iisang professional 3×3 basketball league sa bansa, ang mamamahala sa pag-oorganisa ng FIBA ​​3×3 events sa bansa gayundin ang pagpapadala ng mga kinatawan ng Pilipinas sa world circuit.
Tampok ngayong 2022 season ang pagho-host ng Chooks-to-Go FIBA ​​3×3 Southeast Asia Super Quest (Abril 30-May 1), ang Chooks-to-Go FIBA ​​3×3 Manila World Tour Masters (Mayo 28-29), at ang Chooks-to-Go FIBA ​​3×3 Cebu World Tour Masters (Oktubre 1-2).
Bukod sa mga kumpetisyon na ito, ang mga koponan mula sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ay maglalaro sa hindi bababa sa dalawa pang World Tour Masters stop, kabilang ang pagbubukas sa Utsunomiya sa Mayo 14, at dalawang Challenger tournaments.
“It has always been our dream to be in a position to support FIBA 3×3 with it being an Olympic sport,” paliwanag ni Mascariñas, na kung saan ang pag-host at paglahok sa mga tournaments sa FIBA 3×3 World Circuit ay magbibigay ng maximum possible federation points para sa bansa.
Para sa domestic league, ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ay nagpa-plano ng hindi bababa sa tatlong Quest level tournaments (level 7).
Bilang paghahanda para sa mga ito, ipapadala ng Chooks-to-Go ang una nitong koponan na binubuo nina Mac Tallo, Zachary Huang, Mike Nzeusseu, Brandon Ramirez, at Dennis Santos sa Serbia para sa isang training camp mula Abril 1-15.
“Next month, we will be sending our 3×3 pool to Serbia for a two-week training. They will be exposed to the best 3×3 players, Serbia being the number one 3×3 team in the world,” sabi pa ni Mascariñas.
“We will be participating in all FIBA-sanctioned international tournaments where we will be invited or where we will qualify to participate.The more international tournaments we participate in, the easier it will be for us to pile up points.”
Sa 2024 Paris Olympics, binigyang-diin ni Soriano ang kahalagahan ng mga puntos para sa Pilipinas, na kasalukuyang nasa ika-31 sa mundo.
“I’m very excited to start a new project with Chooks-to-Go and Boss Ronald. We are here to prepare because we have a long season ahead including two World Tour Masters events here. Things need to start to get rolling and things need to go really fast,” paliwanag ni Soriano.