Thompson Scottie Thompson of Barangay Ginebra: PBAPC Player of the Week. PBA photo

Thompson napili ng PBAPC

Robert Andaya Mar 22, 2022
235 Views

NAPILI si Barangay Ginebra superstar Scottie Thompson bilang hands-down choice ng Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week para sa period na March 16-19.

Nagpasikat si Thompson, na dating naglaro sa University of Perpetual Help sa NCAA, para sa never-say-die Gin Kings sa quarterfinal round ng PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum

Ang do-it-all guard ng Ginebra ay nagpasiklab sa kanyang average na 20 points, 12.5 rebounds, at 8.5 assists sa dalawang sunod na panalo ng Gin Kings laban sa TNT Tropang Giga upang umabante sa best-of-five semis.

Unang nagbida si Thompson sa kanyang 23 points, 15 rebounds, eight assists at two blocks sa 104-92 panalo ng Ginebra laban sa TNT.

Sinundan nya ito ng isa pang mahusay na laro at muntik na uling maka triple-double sa kanyang 17 points, 10 rebounds at nine assists para sa 115-95 na panalo.

Ang dalawang panalong ito ang nagbigay ng ticket para sa Ginebra sa semis, na kung saan makakaharap nila ang No. 2 seed na NLEX.