NAIA

Cocaine naharang sa NAIA 3

Jun I Legaspi Jan 30, 2026
138 Views

NAPIGIL ng Bureau of Custom-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tangkang magpuslit ng 8.197 kilo ng hinihinalang cocaine ng pasaherong dumating sa NAIA Terminal 3 noong Enero 29, 2026.

Lumabas ang kahina-hinalang imahe kaya isinailalim ang bagahe sa pisikal na pagsusuri kung saan natuklasan ang may tinatayang halagang P43,444,100 ng cocaine.

Isinailalim ang pasahero sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

“Ang matagumpay na pagkakasamsam at pag-aresto ay patunay ng pagiging mapagmatyag ng ating mga tauhan at ng matibay na sistema ng border control. Patuloy na nakatuon ang Bureau of Customs sa pagpigil sa pagpasok ng ilegal na droga sa ating mga pantalan,” sabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.