Vargas1

Rep. Vargas: LTO fight vs pasaway, barumbado drivers dapat ituloy

Mar Rodriguez Jan 30, 2026
144 Views

π—£π—œπ—‘π—”π—¬π—¨π—›π—”π—‘ ni House Deputy Majority Leader at Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas ang mga motorista na pairalin ang disiplina habang sila ay nagmamaneho sa gitna ng pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga pasaway, barumbado at walang disiplinang mga drivers.

” Seryoso na ngayon ang LTO na kastiguhin ang mga pasaway na mga motorista bunsod ng sunod-sunod na kaso ng road rage na kinasasangkutan ng mga barumbadong mga drivers na madaling mag-init ang ulo sa kapwa nila motorista,” sabi ng kongresita.

Sinabi ni Vargas na halos linggo-linggo ay napapaulat na ilang mga drivers ang nagba-viral sa social media dahil sa road rage, kung saan kitang-kita sa video ang pakikipag-away nila sa kapwa nila motorista habang ang iba naman ay na-videohan habang nakikipag-murahan o suntukan dahil lamang sa gitgitan sa kalsada.

Ayon kay Vargas, mistulang walang kadala-dala ang mga drivers sapagkat sa kabila ng mahigpit na babala ng LTO na tatanggalan nila ng lisensiya habang-buhay ang mga drivers na masasangkot sa road rage ay nagpapatuloy parin ang mga insidente ng karahasan sa lansangan.