Germino Si Col Ferdinand D. Germino sa kanyang naunang tungkulin bilang hepe ng regional headquarters support unit sa PRO3.

Col. Germino bagong top cop ng Nueva Ecija

Steve A. Gosuico Sep 3, 2024
54 Views

CABANATUAN CITY – May bagong acting provincial police director ang Nueva Ecija sa katauhan ni Col. Ferdinand D. Germino.

Si Germino, miyembro ng Philippine National Police Academy “Tanglaw-Lahi” Class of 1999, ay pumalit kay outgoing police director Col. Richard V. Caballero na umabot na sa kanyang dalawang taong tour-of-duty nitong Setyembre 2, 2024.

Itinalaga si Caballero sa Police Regional Office 3 (PRO3), ito ang napag-alaman.

Bago ang kanyang pagtatalaga sa Nueva Ecija, si Germino ay dati nang nagsilbi bilang hepe ng Regional Headquarters Support Unit ng PRO3 na pinamumunuan ni regional director Brig.Gen. Jose S. Hidalgo Jr.

Ayon kay provincial police information chief Captain Franklin D. Sindac, walang pormal na change of command ceremony ang ginanap sa NEPPO kung saan pormal nang nanunungkulan si Germino bilang bagong acting PD kaninang umaga ng Setyembre 3, Martes.

Sinabi ni Sindac na ang bagong PD ay nagmula sa Licab, Nueva Ecija tulad ng kanyang ina habang ang ama ni Germino ay tubong Santa Rosa, Nueva Ecija.