Calendar

College campus annex ng UDM itinatayo na sa Vitas
NAGAGALAK na ipinahayag ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano na itinatayo na ang bagong campus annex ng Universidad de Manila (UDM) sa Vitas, Tondo – ang pangunahing proyekto na isinusulong nito.
Sabi ni Valeriano na dito nakahanap ng lugar si Manila Mayor Honey Lacuna para pagtayuan ng 1,500 square meters na college annex campus ng UDM na pasok nan sa standarss ng Commission on Higher Education (CHED).
Paliwanag ni Valeriano na kapag naging operational na ang UDM college annex campus, inaasahang ang mga estudyante mula sa buong Maynila ang maaaring mag-aral sa UDM sapagkat ang nasabing unibersidad ay hindi lamang para sa mga residente ng Tondo.
Binigyang diin naman ng kongresista na taliwas sa mga ipinapakalat na fake news ng kanilang mga kalaban. Ang UDM aniya ay bukas para sa lahat at maaaring mag-enroll ang sino mang estudyante.
To God be the Glory