Calendar
Comelec magsasagawa ng procurement summit, internet voting demo
MAGSASAGAWA ang Commission on Elections (Comelec) ng procurement summit at internet voting demonstration ngayong buwan.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco isasagawa ang Procurement Summit mula Hulyo 17 hanggang 18 upang matiyak na magiging transparent at mabibigyan ng pagkakataon ang mga interesado ng oportunidad na lumahok sa bidding.
Pag-uusapan umano sa summit ang proseso ng government procurement.
Nakapagpadala na umano ng imbitasyon ang Comelec sa mga supplier, service provider, consultant, at contractor na maaaring lumahok sa bidding.
Isasagawa naman ang Internet Voting Demonstration sa Hulyo 11 sa main office ng Comelec. Ito ay bahagi ng paghahanda sa 2025 elections.
Ayon kay Laudiangco sasali dito ang service provider na Miru, Smartmatic, Dermalog, Indra, E-Corp, Tambuli Labs, Voatz, at Thales.