CBCP

Commemorative coins inilabas para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa

171 Views

NAGLABAS ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng commemorative coin para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

Ayon sa CBCP Secretariat ang paglalabas ng official coin ay isang magandang paraan ng pagkilala sa narating ng Simbahan.

Makikita sa commemorative coin ang unang Easter Mass sa Limasawa island sa Southern Leyte.

Sa kabilang bahagi naman ang official logo ng 500YOC kung saan makikita ang unang pagbibinyag at ang tema ng selebrasyon na “Gifted to Give”.

Ang limited edition Nordic gold commemorative coin ay may laking 34mm at may mirror-finished design.

Ang commemorative coin ay mabibili sa CBCP Secretariat sa Intramuros Manila.