Tugade

Common station matatapos ngayong buwan—DOTr

Jun I Legaspi Mar 6, 2022
369 Views

MATATAPOS na umano ngayong buwan ang istraktura ng itinatayong common station kung saan magtatagpo ang Light Rail Transit 1, Metro Rail Transit 3, Metro Rail Transit 7 at Metro Manila Subway Project.

Ang Station Building ng Area A ay nakakonekta na umano sa Area B o Atrium na 100% tapos na. Ang proyekto ay may lawak na 13,700 metro kuwadrado.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade nagawa ang proyekto ng hindi isinasara ang EDSA at hindi sinususpendi ang operasyon ng MRT-3.

Sa pagtataya ni Tugade magsisimula ang operasyon ng common station sa Hulyo 2022.

“I will henceforth, until my term ends, inspect and make sure that the electromechanical system will also be in place so that this Common Station – a long-time dream of the Filipino people – will come into reality. I hope it can be done during the term of President Mayor Rodrigo Roa Duterte,” sabi ng kalihim.

Noong 2006 pa inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA Investment Coordination Committee ang pagtatayo ng common station subalit kabi-kabila ang naging problemang kinaharap nito bago nasimulan.

Inaasahang aabot sa 500,000 pasahero ang gagamit ng common station kada araw.