Concepcion

Concepcion umaasang aarangkada booster shot sa edad 12-17 bago ang pasukan

168 Views

UMAASA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na aarangkada na ang pagbibigay ng booster shot sa mga non-immunocompromised na edad 12 hanggang 17 bago ang pagbubukas ng klase sa Agosto.

Binigyan-diin ni Concepcion ang kahalagahan na mabigyan ng dagdag na proteksyon ang mga menor de edad sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Nauna rito ay naglabas ng kondisyon ang Health Technology Assessment Council (HTAC) na ang bibigyan ng booster shot na mga non-immunocompromised na edad 12-17 ay dapat nakatira sa lugar kung saan nasa 40 porsyento na ng mga senior citizen ang nakapag- booster shot na.

Umapela si Concepcion sa HTAC na baguhin ang kondisyon na ito at iginiit ang kahalagahan na mapataas ang immunity ng mga menor de edad.