Calendar
Cong. Florida “Rida” Robes tinanggap hatol ng mga Bulakenyo
BAGAMA’T nabigong makamit ni San Jose del Monte City (SJDM) Lone Dist. Cong. Florida “Rida” P. Robes ang inaasam at isinusulong nitong hakbangin para maging Highly Urbanized City (HUC) ang SJDM, Bulacan matapos matalo ang naturang panukala sa isinagawang plebiscite.
Binigyang diin ni Robes na lubos nitong iginagalang ang naging kapasyahan o desisyon ng kaniyang mga kababayan matapos mabigo ang kaniyang hangarin para sa SJDM, Bulacan na maging HUC sa pamamagitan ng katatapos pa lamang na plebesito. Kung saan, mayorya ng mga Bulakenyo ang tumutol dito.
“Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming minamahal na San Joseño at kapwa namin Bulakenyo sa inyong paglahok sa nakaraang plebisito. Iginagal;ang po naming ang kanilang naging kapasyahan,” sabi ni Cong. Robes.
Pinangunahan ni Robes ang kampanya para sa pagsusulong na maging Highly Urbanized City (HUC) ang San Jose del Monte (SJDM) City na inaasahang magbibigay umano ng malaking progreso para sa mga residente ng Siyudad partikular na para sa mga negosyante sa SJDM City.
“Bagaman nabigo ang tuntunin na aming sinuportahan, lubos naming tinatanggap ang kalooban ng sambayanan. Ito ang diwa ng ating demokrasya, at makaaasa po kayo sa aming puspos na pagtataguyod,” dagdag pa ni Robes.
Nauna rito, inihayag ni Robes na puspusan ang pagsusulong ng dalawang-pung (20) Mayor mula sa apat na siyudad ng Bulacan para sa conversion ng SJDM bilang isang Highly Urbanized City (HUC) sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang “Manifesto ng Pagsuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan”.
Ang naglabas ng nasabing manifesto ay ang league of Municipalities of the Philippines” sa nasabing lalawigan bilang suporta sa 20 Mayor na nagsusulong na maging isang HUC ang SJDM.