Calendar
Cong. Martin G. Romualdez karapat-dapat na maging susunod na house speaker- Barbers
IPINAHAYAG nang isang Mindanao solon na karapat-dapat para maging susunod na House Speaker si Leyte 1 st Dist. Rep. Ferdinand “Martin” G. Romuldez kaya inaasahan na magiging “overwhelming” ang desisyon ng mga kongresista upang iluklok si Romualdez bilang lider ng 19 th Congress.
Pagmamalaking sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na bilang dating House Majority Leader sa ilalim ng liderato nina House Speaker Alan Petere Cayetano at Lord Alan Velasco. Napakahusay ang naging performance ni Romualdez bilang isang lider.
Ipinaliwanag pa ni Barbers na kilala din si Romualdez bilang isang “consenus- builder” na tumutulong para ayusin at pakalmahin ang namumuong “political turmoil” o alitan sa politika sa pagitan ng mga kongresista. Isa na umano dito ang napabalitang hidwaan nina Cayetano at Velasco.
“He has also credited for steering the House minority and majority members in the passage of a crucial pieces of legislation such as the Bayanihan 1 and 2 to help alleviate economically the welfare of Filipinos badly affected by the COVID-19 pandemic,” sabi ni Barbers.
Sinabi din ni Barbers na marami sa mga kasamahan niya sa Kamara de Representantes ang nalulugod kay Romualdez dahil pinakikinggan nito ang mga kongresista na lumalapit sa kaniya kabilang na ang iba pang mamababatas na hindi kasama sa “super majority”.
“He is an amiable House leader who always consults and listen to his colleagues, always posseses positive outlook, pushing harmony among members of the opposition block and thereby gaining trust and respect from majority of his fellow lawmakers,” sabi pa ni Barbers.