Kelot todas sa kadyot
May 13, 2025
Panalo sa halalan sa Pasay, Munti, LP naiproklama na
May 13, 2025
Waley pang-hire ng glam team
May 13, 2025
Pope Leo XIV’s motto, coat of arms unveiled
May 13, 2025
Calendar

Nation
Cong Remulla nanumpa bilang miyembro ng Kamara
Ryan Ponce Pacpaco
Mar 1, 2023
267
Views
PINANGASIWAAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panunumpa sa tungkulin ni Rep. Crispin Diego Remulla, bilang kinatawan ng ikapitong distrito ng Cavite.
Pinalitan ni Remulla ang kanyang ama na si Jesus Crispin Remulla na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Justice Secretary.
Sa sesyon ng plenaryo, inanunsyo ni Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe na nakatanggap ang Kamara de Representantes ng certificate canvass of votes at opisyal na proklamasyon mula sa Commission on Elections (COMELEC) Provincial Board of Canvassers na nagdedeklara na si Rep. Remulla ang nanalo sa special elections na idinaos noong Pebrero 25.
Si Rep. Remulla ay sinamahan ng kanyang pamilya ng manumpa sa rostrum ng Kamara.
PBBM: Maraming salamat sa tiwala sa Alyansa
May 13, 2025
Presyo ng gas, diesel, kerosene bababa
May 12, 2025