Tiangco Sina Cong. Toby Tiangco, NHA Gen. Manager Joeben Tai at Mayor John Rey Tiangco nang pangunahan ang seremonya ng groundbreaking sa itatayong proyektong pabahay. Kuha ni EDD REYES

Cong. Toby, Mayor John Rey pinangunahan groundbreaking ng pabahay sa Navotas

Edd Reyes Nov 23, 2024
42 Views

PINANGUNAHAN nina Navotas City Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang groundbreaking ceremony ng itatayong NavotaAs Homes III-Tanza 1 Phase 2 housing project sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa National Housing Authority (NHA) Biyernes ng hapon.

Sa oras na matapos ang may 5.6 ektaryang proyektong pabahay na may 24 na palapag na may tig-60-unit ang bawa’t isa ay tiyak na pakikipanabangan ng 1,400 pamilyang Navoteño

Ayon kay Mayor Tiangco, nais nilang magkaroon ng maayos at ligtas na matitirhan ang mga Navoteños na naninirahan sa malapit sa baybaying dagat at lugar na malimit lumubog sa baha.

“More importantly, we want them to have a fresh start. ‘Bagong bahay, bagong buhay’ embodies our dream of providing them with not just a home but a new beginning filled with hope and opportunity,” sabi pa ng alkalde.

Sa kasalukuyan, lima na ang in-city housing project ng Navotas na may kabuuang 2,187 units na tinitirhan na ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog, bagyo, at iba pang kalamidad.

Malugod namang pinuni ni Cong. Toby Tiangco ang proyekto na aniya ay pang-matagalang solusyon sa kawalan ng maayos na matitirhan ng maraming Navoteño.

“This project reflects our unwavering commitment to uplifting the lives of Navoteños. Providing safe, accessible, and well-equipped housing is not just about shelter but about building a foundation for a brighter future,” sabi pa ng kongresista.

Umaasa ang magkapatid na Tiangco na kanilang mapapasinayahan na sa susunod na taon ang phases 1 at 2 ng proyekto upang mapakinabangan na ng kanilang mga kababayang walang maayos na tirahan.

Kabilang din sa mga dumalo sa seremonya ng groundbreaking sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio, at Department of Human Settlements and Urban Development USec. Ronald Samuel T. Young.