Morente

Contrabando nakumpiska sa BIWF raid

Jun I Legaspi Feb 12, 2022
264 Views

NAGSAGAWA ng sorpresang raid ang mga operatiba ng BUREAU of Immigration (BI) sa mga nakakulong sa warden facility nito (BIWF) sa Taguig Pebrero 4 ng umaga.

Ang BIWF management, mga opisyal mula sa BI Intelligence Division gayundin ang BI Anti-Terrorist Group ay nakipag-ugnayan sa Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) Intelligence Division, at sa tulong ng PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) at ang PNP NCRPO – Regional Mobile Force Battallion (RMFB) ay nagsagawa ng raid na tinaguriang “Greyhound Operation” madaling araw ng Pebrero 4.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang raid ay bahagi ng serye ng random surprise inspections upang matiyak na ang pasilidad ay nananatiling drug-free at walang ilegal na mga gamit.

“Ang shakedown na ito ay atrasado na, dahil ang huling pagsalakay na aming isinagawa ay ginawa noong isang taon,” sabi ni Morente. “Ginagawa din ang mga ganitong raid para matiyak na walang special treatment sa PDL,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga nakumpiska ay mga gadget tulad ng tablet, laptop, cellphone, alcoholic beverage, gambling paraphernalia, kutsilyo, gunting, at iba pang matutulis na bagay, at mga kagamitan tulad ng screwdriver, martilyo, at pliers.

“Bagaman ang pasilidad ay hindi isang kulungan, ang paggamit ng mga gadget ay kinokontrol. Bawal ang gambling paraphernalia, at bawal ang mga matutulis na bagay para maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari,” ani Morente.

Ang mga nakumpiskang gamit ay bilang at pansamantalang itinago para sa pag-iingat ng BIWF, para ilabas sa deportasyon ng may-ari.