Utang ng bansa inaasahang lolobo pa sa 2027
Oct 27, 2026
Calendar
Metro
Suspek sa murder, kidnap na may P1.2M patong sa ulo huli sa Quezon
Gil Aman
Jun 15, 2025
537
Views
CAMP VICENTE, Lim, Canlubang, Laguna–Naaresto ang lalaking suspek na may patong sa ulo na P1.2 milyon dahil sa kasong murder at kidnapping noong Sabado sa Brgy. Rosario, Gumaca, Quezon.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-4A director P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, may reward na P1.2 milyon sa sinumang makapagtuturo sa suspek na si alyas Ka Sakay.
Dinakip si alyas Ka Sakay sa pangunguna ng Regional Intelligence Unit 4-A dakong alas-5:30 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Bienvenido Blancaflor, Presiding Judge ng Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 95 Puerto Princesa City.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nakakulong sa Gumaca police station.
8-anyos nagpaalam mag-computer, umuwing bangkay
Oct 27, 2026
Pekeng pulis nireklamo ng negosyante, nasakote
Oct 27, 2026

