Utang ng bansa inaasahang lolobo pa sa 2027
Oct 27, 2026
Calendar
Source: Knights Fire and Rescue Volunteers
Metro
Sunog sa paaralan sa QC umabot ng ikatlong alarma
Melnie Ragasa Jimena
Jun 15, 2025
400
Views
SUMIKLAB ang sunog na umabot sa ikatlong alarma sa isang paaralan sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City noong Linggo.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-10:55 ng umaga nagsimula ang sunog sa San Francisco High School sa Brgy. Sto Cristo, Quezon City na malapit sa shopping mall.
Itinaas ng BFP ang sunog sa unang alarma hanggang sa ikatlong alarma bago naapula pasado alas-12:00 ng tanghali.
Kabilang sa mga apektado ng sunog ang faculty room ng paaralan pero walang napaulat na nasawi o nasugatan.
Hindi pa alam ng BFP ang ugat ng sunog at kung magkano ang natupok ng apoy.
8-anyos nagpaalam mag-computer, umuwing bangkay
Oct 27, 2026
Pekeng pulis nireklamo ng negosyante, nasakote
Oct 27, 2026

