Cotabato Pakitang gilas ang Cotabato Warriors.

Cotabato, Batangas, QC umarangkada

Robert Andaya Apr 12, 2024
203 Views

BIÑAN, Laguna — Kaagad namayani ang South Cotabato, Batangas at Quezon City sa maaksyong mga laro sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Season 6 sa Alonte Sports Arena kamakailan.

Sa husay ng laro nina Val Acuña at Kyle Tolentino, ibinaon ng South Cotabato ang Imus, 106-65, at itala ang isa sa mga pinakamalaking winning margins sa taunang kumpetisyon na itinataguyod ni MPBL founder Sen. Manny Pacquiao.

Umiskor si Acuña ng game-high 21 points, kabilang ang three triples, habang nagdagdag si Tolentino ng 18 points, kasama ang four triples, para sa Warriors ni veteran coach Elvis Tolentino.

Umarangkada din sina Jervy Cruz, na may 15 points, kabilang ang three triples at four assists; Mark Cruz, na may 11 points, seven assists at six rebounds; at Felix Apreku, na may 10 rebounds sa wire-to-wire na panalo ng Warriors.

Sa kabuuan, nagpasiklab ang South Cotabato sa kanilang16-of-39 shooting mula three-point area para 41 percent kumpara sa 1-of-13 para 7.7 percent ng Imus.

Nakakuha ang Imus ng 24 points mula kay Luis Tapenio at 15 points mula kay John Rey Sumido.

Sa ibang mga laro, pinayuko ng Batangas ang Bulacan, 76-68, habang binigo ng Quezon City ang Muntinlupa, 81-74, upang makahanay ng mga early leaders ng two-division, 30-team league.

Nagsanib pwersa sina Levi Hernandez, Cedric Ablaza at Dawn Ochea para sa Batangas, na hindi natinag sa kabila ng ilang pagtatangka ng Bulacan.

Namuno si Hernandez sa kanyang 19 points, kabilang ang lima sa fourth quarter para saTanduay Rhum-sponsored Batangas.

Nagdagdag sina Ablaza ng 16 points at 12 rebounds, at Ochea ng 15 points, six rebounds at two steals.

Ang veteran na si Paolo Hubalde ang nanguna para sa Bulacan sa kanyang 18 points, kasama ang pito sa fourth quarter, four rebounds, four assists at two steals.

Gayunman, tanging si John Carandang ang nakatulong nya sa 10 points nito.

Sumandal naman ang Quezon City kina Rhinwill Yambing at homegrown stars na sina Chino Mosqueda at Rafael Are para burahin ang 44-54 deficit sa halfitme at tuluyang manalo.

Si Yambing ay nagtapos na may 16 points at three rebounds, kasunod sina Mosqueda na may 15 points, three rebounds, two assists at two steals at Are na may 12 points, two rebounds at two assists.

Ang dating PBA MVP na si Kenneth Duremdes ang MPBL Commissioner.