Sual Sual: Bida ng Sarangani.

Sual nanguna sa Sarangani

Robert Andaya Apr 13, 2024
86 Views

UMISKOR si Ryan Sual ng 24 puntos habang nag-ambag si Adven Diputado ng 22 upang pangunahan ang Sarangani Marlins sa 99-93 panalo laban sa Mindoro Tamaraws sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Season 6 sa Wes Arena sa Valenzuela City.

Bagamat nakalamang ng 79-56 sa third quarter, kinailangan pa din ng Marlins na maglaro ng husto upang biguin ang matinding bwelta ng Tamaraws sa huling bahagi ng sagupaan sa 30-team tournament na itinataguyod ni MPBL founder Sen. Manny Pacquiao.

Nakatulong din si Coy Aves, na may 14 puntos, six rebounds and at dalawang assists para sa Marlins, na bumawi mula 80-90 pagkatalo sa Bataan nung April 8.

Nanguna para sa Mindoro sina Rodel Vaygan (15 puntoss, three rebounds, three steals), Lester Reyes (12 puntos, seven rebounds), Andrew Estrella (11 points, four assists), Kint Ariar.

(10 points, seven rebounds, six assists) at Art Desiderio at Karl Bono (siyam puntos).

Dadayo naman ang MPBL sa Batangas City Coliseum, na kung saan maghaharap ang Manila at Bulacan simula 4 p.m., Paranaque at South Cotabato sa 6 p.m., at Iloilo at host Batangas sa 8 p.m.

Ang dating PBA MVP na si Kenneth Duremdes ang MPBL Commissioner.