DOH

COVID-19 alert level system pinanatili

185 Views

MANANATILI ang paggamit ng COVID-19 alert level system habang inihahanda ang bagong health restriction na ipatutupad ng gobyerno.

Ito ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong pulungin ang mga opisyal ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Marcos ang inihahandang bagong health restriction classification ay dapat naaayon sa kasalukuyang sitwasyon.

“To avoid confusion, we will retain the alert level system for now. We are, however thinking, we are studying very closely, and we’ll come to a decision very soon as to decoupling the restrictions from the alert levels,” sabi ni Marcos batay sa pahayag na inilabas ng Malacañang.

Ayon sa DOH posibleng matapos ang bagong health restriction sa ikalawang linggo ng Agosto.

Noong Lunes ay nakapagtala ng 2,285 bagong kaso ng COVID=19 sa bansa, ang pinakamataas na bilang ng arawang dagdag na kaso mula noong Pebrero.

Ito rin ang ikalimang sunod na araw na mahigit 2,000 ang naitatalang bagong kaso sa bansa.

Nasa 20,524 ang kabuuang active cases sa bansa noong Lunes.