DOH

COVID-19 subvariant Omicron BN.1 na-detect sa PH

260 Views

NAKAPAGTALA na ng kaso ng COVID-19 subvariant Omicron BN.1 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Dalawang kaso umano ng naturang variant ang nakita sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC).

Ayon sa DOH ang BN.1 ay sublineage ng BA.2.75. Ito ay kasalukuyang nasa “variant under monitoring” ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

Batay sa mga kasalukuyang pag-aaral, ang bagong detect na variant ay hindi nakitaan ng mas matinding severity bagamat ang pagdami ng mga kaso nito ay maaaring magresulta sa mutation na maaaring makalusot sa mga kasalukuyang bakuna.