creamline Nag-agawan sina Cignal libero Jheck Dionela at Angeli Araneta sa bola sa kanilang laro laban sa Chery Tiggo kagabi. PVL photo

Creamline, Cignal nakauna sa PVL semis

Theodore Jurado Nov 27, 2022
322 Views

NAKAUNA agad ang Creamline at Cignal sa semifinals ng Premier Volleyball League Reinforced Conference makaraang walisin ang kani-kanilang mga katunggali kahapon sa Philsports Arena.

Nakuha ng Cool Smashers ang kanilang kauna-unahang straight-set win ng torneo matapos pataubin ang PetroGazz, 25-21, 25-20, 25-23, habang napalaban naman ang HD Spikers sa Chery Tiggo bago makamit ang 28-26, 25-17, 25-23 tagumpay.

Alam ni coach Sherwin Meneses na bawat puntos at bawat set ay may bilang, kung sana nakuha ng Creamline, ang top-ranked team sa preliminary round, ang full points matapos makuha ng tatlong sets.

“Malaking bagay na lalo na three sets. Siyempre, yung mga points mahalaga lalo na kung mag-tie ka before ng Finals. Just like sa eliminations, maraming nagkatalo sa points. So napalaking advantage sa amin na naka-three points kami ngayon,” sabi ni Meneses.

“Hopefully next game, mag-improve ang team. Malayo pa, may dalawang games pa,” aniya.

Krusyal rin para sa Cignal na matapos kaagad ang laro.

“Unexpected na ma-straight sets namin ang game,” sabi ni HD Spikers coach Shaq delos Santos.

Tumapos si Yeliz Basa na may 17 points, nagpakawala si Jema Galanza ng dalawang service aces para sa 14-point outing habang nagtala si Alyssa Valdez ng 11 points, kabilang ang dalawang blocks, bukod sa 15 receptions para sa Cool Smashers.

Si Domingo ang isa pang manlalaro ng Creamline na nagposte ng twin digits ng 10 points, habang bumira si setter Jia de Guzman ng match-best na tatlong service aces at bumato ng 19 excellent sets.

Nanguna si Lindsey Vander Weide para sa Angels na may 16 points, kabilang ang tatlong blocks, humataw si MJ Phillips ng 11 kills habang si Aiza Maizo-Pontillas ng tatlong blocks para sa 10-point outing bukod pa sa 10 digs.

Nagsalansan si Tai Bierria ng 21 points sa kanyang 19-of-32 attacks habang nag-ambag si Angeli Araneta ng 10 points at pitong digs para sa Cignal.

Tumipa si Mylene Paat ng 11 points, ngunit gumawa ng attack error na siyang nagsara ng pinto para sa Crossovers upang makahirit ng isa pang set.