QCPD

Crime rate sa QC bumaba, pulis sa siyudad pinasalamatan ni Maranan

62 Views

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) P/BGen. Redrico A Maranan ang pagbaba ng crime rate dahil sa patuloy na anti-criminality operations at pinahusay na preventive measures na ipinatupad ng iba’t ibang istasyon ng pulisya at unit sa lungsod.

Ayon kay Maranan, bumaba ang buwanang bilang ng walong focus crimes gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car at motorycle theft.

Aniya, nagkaroon ng pagbawas ng 20 insidente o 12.73% mula sa 157 insidente noong Hunyo hanggang 137 insidente noong Hulyo ngayong taon.

Samantala, sa lingguhang krimen, may pagbaba ng 12 insidente, o 41.37%, mula sa 29 na insidente na iniulat sa pagitan ng Hulyo 29-Agosto 4, hanggang 17 insidente mula Agosto 5 hanggang 11.

Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si Maranan sa pagsisikap ng buong Quezon City police force.

“Maraming salamat sa lahat ng ating mga pulis sa patuloy na pakikiisa at mahusay na pagtupad ng kanilang tungkulin,” pahayag pa ng QCPD chief.