Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Gun

Crime suspek nagbenta ng boga sa parak, balik rehas

Edd Reyes Oct 11, 2025
307 Views

BALIK-selda ang 22-anyos na lalaki na suspek sa iba’t-ibang kaso nang pagbentahan ng baril ang pulis na nagpanggap na buyer noong Biyernes sa Paranaque City.

Pinosasan ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/BGen. Randy Arceo si alyas Marco nang tanggapin ang P15,000 na kinabibilangan ng isang tunay na P1,000 at 14 na boodle money kapalit ng 9mm pistol na may dalawang bala sa magazine.

Ayon kay P/Lt.Col. Antonio Ananayo, Jr., hepe ng District Special Operations Unit (DSOU), dakong alas-7:45 ng gabi natiklo ang suspek sa parking lot ng restaurant sa Roxas Boulevard sa Brgy. Tambo matapos makipag-transaksiyon sa kanya ang isa niyang tauhan.

Batay sa rekord ng pulisya, hindi lang ito ang unang pagkakataon na lumabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si alyas Marco dahil may ganito na rin siyang kaso bukod pa sa robbery, theft at paglabag sa PD 1602 o illegal gambling.