Tuklaw Ang kuha ng CCTV sa dalawang kabataan na nagwala matapos humithit ng tuklaw sa Sampaloc, Manila. JONJON C. REYES

Mag-utol gumamit ng tuklaw nagwala, nagparalisa

Jon-jon Reyes Oct 12, 2025
338 Views

Tuklaw1Tuklaw2Tuklaw3Tuklaw4Tuklaw5Tuklaw6

Tuklaw7
Ang kuha ng CCTV sa dalawang kabataan na nagwala matapos humithit ng tuklaw sa Sampaloc, Manila. JONJON C. REYES

DALAWANG kabataan ang humilata, nagwala, nag amok at naparalisa habang tumatawid sa kahabaan ng R.M Blvd Corner,Vicente Cruz sa Sampaloc Manila, matapos humithit umano ng tuklaw.

Ang insidente ay nakunan ng CCTV noong Miyerkoles at pinost ng isang netizen sa social media.

Base sa report, bandang 3:10 ng hapon nang makatangap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen kaugnay sa dalawang binata, na nakilalang sina alyas Archie, 17, at alyas Arwin.19, kapwa binata, at residente ng Palawan St, Sampaloc, Manila, na nakitang nakahandusay sa kahabaan ng Vicente Cruz St., corner RM Boulevard, sa Barangay 424, Zone 43, Sampaloc.

Agad na nagtungo Pat Roigie Soriano Belanigue, Pat Rodolfo Mosqueda Jr, at Pat Paul Jonel Ulfindo, mga tauhan ng SECTOR-3 (Charlie), sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Major.Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD Headquarters, tatawid sana ang isang lalaki sa R.M Blvd bandang alas 2 p.m. nang biglang itong nadapa at nawalan ng malay. Lumapit ang isa pang lalaki na nakaputing shirt at ginising ang nawalan ng malay.

Maya-maya, natumba ang lalaking nakaputing T-shirt at tumayong muli. Bigla umano nitong pinagsusuntok ang unang lalaki at sumunod ay nagpaikot -kot ito habang nakahiga sa kalsada.

Makalipas ang mahigit kalahating oras may dumating na ambulansiya at agad silang dinala sa pagamutan ang dalawang lalaki na patuloy na inoobserbahan,.

Ayon pa kay PMaj. Ines, bago ang pangyayari at gumamit ang dalawang lalaki ng sigarilyong tuklaw.

Nakuhan sila sa CCTV na gumagamit ng tuklaw sa gilid ng isang convenience store sa nasabing lugar.

Nagpaabot naman ng paalala si MPD Director PBGen. Arnold Abad sa mga magulang at guardian ng mga kabataan na bantayan maigi ang kanilang mga anak at tanungin o kamustahin ang mga ito upang malaman ang kanilang sitwasyon sa araw -araw.Ito ay upang maiwasan ang paggamit nila ng mga ipinagbabawal na gamot,.

Patuloy ang isinasawang imbistigasyon ng mga kapulisan ng Maynila kung saan at kanino ng magkapatid ang kanilang ginamit na tuklaw.