Laurel

DA di susukuan na maabot pangako ni PBBM na P20 kada kilong bigas

Chona Yu Jan 17, 2024
148 Views

HINDI pa rin susukuan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na matupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Laurel na puspusan ang interventions o hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa.

“It’s an aspiration.It’s a target,” pahayag ni Laurel.

Halimbawa na ang pagpapatayo ng farm to market roads at ng mga storage facility.

Nasa 1.2 milyon na sakahan pa aniya ang walang irigasyon at kailang ng P1.2 trilyong pondo.

Sabi ni Laurel, mas maganda na may target na kailanggang abutin ang pamahalaan para maibaba ang presyo ng bigas.

Kapag nagawa aniya ang mga interventions, bababa ang presyo ng bigas ng hanggang 5 porsyento.

Sa ngayon kasi aniya, nakapadepende sa world market ang presyo ng bigas sa bansa.

“We will try our best. Mas maganda, sir, may goal para everybody tries to achieve it as hard as possible,” pahayag ni Laurel.