Pinsala

DA naglaan ng P655.5M bayad-pinsala sa mga magsasaka, mangingisda

Cory Martinez Nov 3, 2024
93 Views

AABOT sa P666.5 milyon na bayad-pinsala ang ibibigay sa mga magsasaka at mangingisda na nawasak ang kabuhayan dahil sa bagyong Kristine at Leon.

Batay sa ulat ni Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) President JB Jovy Bernabe kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., umaabot sa 86,066 na magsasaka mula sa 10 rehiyon ang matinding naapektuhan ng bagyo.

Kalahati sa bilang na ito galing sa Central Luzon, Bicol region at Mimaropa.

Ayon kay Bernabe, paunang assessment pa lamang ito sa mga PCIC-insured farms na apektado ng bagyo.

Kabilang sa mga napinsala, ani Bernabe, ang bigas, high-value crops at pangisdaan.

Ang inaasahang bayad-pinsala para sa bigas nagkakahalaga ng P413.6 milyon; P167.9 milyon sa high-value crops at P27.7 million sa fisheries.

“We have set aside an initial amount of P667 million for insurance payments to around 86,066 farmers,” ani Bernabe.

Samantala, hiniling ni Tiu Laurel sa PCIC na bilisan ang pagproseso ng mga insurance claims at tulungan na makabangon agad ang mga magsasaka mula sa pinsalang dulot ng bagyo.

Inatasan din ni Tiu Laurel ang PCIC na maghanda din sa posibleng pinsala sa agrikultura na maaaring idulot ng bagyong Leon.

“The pace of recovery for agriculture after a disaster like this will be determined by how quickly the government can provide inputs and financial assistance to farmers and fisherfolk.

That is why I have ordered all agencies of the Department of Agriculture, including attached corporations such as the NFA (National Food Authority) and PCIC, to conduct quick needs assessments so that help can be provided immediately,” dagdag pa ni Tiu Laurel.