Calendar
Source: Philippine Army
DA Sec sa PCIC: Pag-assess sa halaga ng pinasala niOpong sa pananim bilisan
INUTUSAN ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na bilisan ang damage assessment sa mga lugar na nasalanta ng nakaraang bagyo para mapadali ang pagre-release ng mga tulong na kailangan ng mga naapektuhang magsasaka.
Ayon kay Tiu Laurel, na chairman din ng National Food Authority (NFA), iniutos na niya ang pagre-release ng rice stocks sa mga areas na nangangailangan bago pa bumira ang bagyo.
Sinabi ng DA Disaster Risk Reduction and Management Center bulletin na umaabot sa P1.38 billion ang damage ng bagyong Opong sa mga pananim at 55,595 na mga magsasaka ang apektado.
Nasa 47,723 hectares ng pananim ang na-damage sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.
Nasa 109,997 metric tons ng palay, mais, high-value crops at livestock at poultry ang naapektuhan ng bagyo.
Dahil dito, naglabas na ng 42,219 bags ng palay seeds; 90,320 bags ng corn seeds; 40,518 kilograms ng vegetable seeds; 1.65 million fingerlings ng tilapia, bangus at karpa ang DA.
Pwede rin makautang ang mga apektadong magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) loans ng hanggang P25,000 na pwedeng bayaran sa aloob ng tatlong taon, ayon sa DA.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, naglaan na ang DA ng 2.4 million sacks ng bigas para sa disaster response.
Umaabot sa 27 porsyento ng total stockpile ng NFA ang volume ng bigas para sa disaster response.
Sa Bicol region, ayon kay Lacson, aabot sa 2,117 bags ng bigas ang ipamimigay.
Kinuha na ng local government units (LGUs) sa Albay, Ligao, Daraga, Malilipot, Catanduanes, Baras at Pili ang kanilang rice allocations sa NFA warehouses para ipamigay sa mga tao doon.
Sa Cagayan, sinamahan ni Sec. Tiu Laurel si President Ferdinand Marcos Jr. sa distribution ng ayuda para sa 12,740 farmers ng walong bayan sa lalawigan. Tinatayang P700 million ang lugi sa pananim sa Cagayan Valley, ayon sa DA.
“Early next week we will submit our impact assessment for Opong,” PCIC President Jovy Bernabe said.
Ilalabas ng DA sa Lunes ang initial impact assessment na dala ng bagyong Opong.

