Calendar

DA tinanggal na import ban sa manok galing Belgium
BINAWI na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa importasyon ng domestic at wild birds, kabilang na ang mga poultry product, mula sa Belgium dahil naampat na ang avian flu outbreak sa naturang bansa.
Sa Memorandum Order No. 30 na ipinalabas ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., binawi ang import ban matapos ideklara ng mga Belgian veterinary authorities na naresolba na ang outbreak at wala nang naiulat na kaso nh bird flu pagkatapos ng Pebrero 28.
Naayon ang naturang sertipikasyon ng Belgium sa panuntunan na itinakda ng World Organization for Animal Health (WOAH).
Iniutos ang import ban matapos ang naiulat na outbreak highly pathogenic avian influenza (H5N1) sa Sint-Niklaas, Oost-Vlaanderen noong Pebrero.
Ang ban ay bilang precautionary measure upang maprotektahan ang lokal na poulty industry mula sa viral infection.
Dahil sa pagbawi ng ban, maipagpapatuloy na ang pakikipagkalakalan sa isa sa pangunahing poultry producers sa Europa at matitiyak na ang supply line para Pilipinas habang pinapanatili ang mahigpit na biosecurity standards.