Hontiveros

Dagdag pasahe para matulungan ang mga driver sa pampublikong sasakyan, dapat blpag-aralan ng LTFRB— Hontiveros

288 Views

SA GITNA NA WALANG HUMPAY NA PAGTAAS NG KRUDO NG LANGIS, iminungkahi ni Sen. Risa Hontiveros kahapon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na agaran bigyan ng tamang pag aaral at repasuhin ng husto ang karampatan pagtaas ng pasahe sa mga pampasaherong sasakyan o public utility jeepneys upang matulungan ang mga driver na hindi na halos kumikita para pang uwi sa kani kaniyang pamilya.

Ayon kay Hontiveros, sobrang hirap at gapang ang ginagawa ng mga pampublikong driver upang may maiuwi lamang sa pamilya dahil na rin sa taas ng krudo at ang libreng sakay na binibigay ng gobyerno sa maraming mamamayan na nagiging sanhi ng lubos nilang pagka lugi.

“Dapat timbangin mabuti ang petisyon sa taas-pasahe. Noong 2018 pa nuwebe pesos ang minimum fare. Doble na ang itinaas sa presyo ng krudo, marapat lang siguro na pakinggan ang hinaing ng ating mga tsuper,” ani Hontiverso.

“Bakit nga naman mamamasada pa kung mapupunta lang ang kikitain sa pagpapakarga ng krudo at wala nang maiuuwi sa pamilya? Huwag nating hayaan na mangyari ito sa kanila,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Hontiveros alam na aniya ng Department of Transportation (DoTr) na ang P6500 fuel subsidy para sa mga PUJs ay hindi sasapat at tatagal lamang aniya ng isang buwan.

Dinagdag pa ni Hontiveros na ang huling taas na ginawa ay nuon pang nakaraang 2018 kung saan ay makailang beses na rin aniyang nagtaas ang krudo na lubhang apektado ang kita ng mga mangagawang driver na nabubuhay lang sa pang araw araw na kita mula sa pamamasada.

“Ang kalihim ng DoTr mismo ang nagsabi nung mid-March na sapat lang sa isang buwan ang P6,500 subsidy sa Pantawid Pasada. Pero limang buwan nang patuloy na tumataas ang presyo ng krudo. Kung walang gagawing aksyon, hindi lang mga tsuper ang mawawalan, kundi ang mga pasahero na umaasa sa kanila,” ani Hontiveros.

Nauna rito ay nanawagan din si Hontiveros sa gobyerno na maglagay na tinatawag na “sustainable na solusyon” sa walang humpay na pagtaas ng krudo at petrolyo sanhi ng maraming bagay na nagbibigay ng negatibong epekto sa transportasyon kung saan ay nagbigay din siya ng babala na sakaling hindi ito masolusyon ay magdudulot sa maraming Pilipino ng problema dahil na rin sa apektado ang lahat ng pang-araw-araw nilang galaw sa hanapbuhay.

Anuman aniya sobra ay pwedeng hugutin ng gobyerno sa excise tax na pinapataw sa mga langis upang mabigyan solusyon ang problemang kinakaharap sa transportasyon.

“Kapag mahal ang presyo ng petrolyo, dapat kasabay na pinalalaki ang service contracting kasama ang fare adjustments. As much as I don’t want to point fingers, I would like to call out the economic managers for undermining the fare adjustment process at the LTFRB. This has caused unnecessary distress to drivers and is now endangering the viability of the transport system,” giit ni Hontiveros.