Theft

Dahil sa 159 counts ng theft, ginang himas-rehas

Edd Reyes Mar 2, 2025
15 Views

TIKLO sa mga pulis ang ginang na nahaharap sa 159 counts ng qualified theft noong Sabado sa Makati City.

Isinilbi ng mga tauhan ni Makati Police Chief P/Col. Jean Dela Torre sa akusadong si alyas Daisy ang warrant of arrest na inilabas ni Makati Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Jonathan Honorato D. Lock ng Branch 60 laban sa kanya dakong alas-10:30 ng umaga sa sa Brgy. Sta Cruz, Makati.

Sa ulat ni Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Manuel Abrugena, malaking halaga na ang umano’y nakulimbat ng ginang sa isang kompanya sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng commercial documents kaya’t hindi kaagad natuklasan ang nawawalang salapi.

Kinakailangang makalikom ng P5,174,000 ang akusado para sa kanyang pansamantalang paglaya dahil ganito kalaki ang itinakdang piyansa ng hukuman.