Arestado Himas-rehas ang tatlong lalaki makaraang magpaputok ng baril habang sinasalubong ang Bagong Taon sa Tondo at Sampaloc, Maynila.

Dahil sa pagbuga ng bala 3 lalaki arestado

Jon-jon Reyes Jan 2, 2026
259 Views

HIMAS-rehas ang tatlong lalaki matapos matimbog sa Sampaloc at Tondo, Maynila dahil sa pagpapaputok ng baril habang sinasalubong ang Bagong Taon noong Huwebes.

Isa sa mga naaresto si alyas Ramon, 21.

Isinumbong kina PSSg Jeffrey Perez at P/Cpl Edmar Delos Santos, Pat Mark Lloyd Tupaz at Pat John Darrell Goodwin Gutierrez ang lalaki na nagpaputok ng baril pataas.

Pagdating sa area, nakita nila ang suspek na hawak pa rin ang baril kaya nilapitan ni Pat. Tupaz ang suspek at narekober ang silver na pistola na loaded ng mga bala.

Swak din sina alyas Dino Jr. para sa paglabag sa RA 10591 at Roy para sa paglabag sa RA 11926 at RA 10591.

Inaresto ang dalawa sa 1983 Ligaya St., Brgy. 426, Zone 43 Sampaloc, Manila

Bandang alas-1:33 ng madaling araw nakatanggap ng tawag ang pulis na si Pat Bino at tungkol sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa nabanggit na lokasyon.

Nilapitan ng mga pulis ang mga suspek at umamin ang dalawa sa barangay matapos ipinalabas ang nasabing baril.