Romero

Dalawang katangian kailangan para hubugin kabataang Pilipino, atleta

Mar Rodriguez Mar 18, 2025
22 Views

Romero1Romero2Romero3Romero4PARA kay 1-PACMAN Party List Group first nominee Mikaela Louise “Milka” Romero, dalawang elemento ang kinakailangan upang mahubog at mapanday ng husto ang magandang katangian ng mga kabataang Pinoy lalo na ang mga atleta.

Sabi ni Romero na ang kapangyarihan ng preparasyon o paghahanda at ang tinatawag na “critical thinking” ang dalawang mahalagang elemento para hubugin sa tamang direksiyon ang mga kabataan at Pilipinong atleta tungo sa kanilang pag-unlad.

Ayon kay Romero, bago pa man nito pinasok ang politika, naging aktibo siya sa mga siya mga gawain bilang “socio-civic business at sports leader” na matibay na naninindigan para sa sports development sa buong bansa na isusulong naman nito sa Kamara.

Pagdidiin ni Romero na kinakailangang hubugin sa disiplina at paghahanda ang mga atleta sakaling sila ay sasabak sa mga mabibigat na kompetisyon upang makamit nila ang tagumpay.

Ipinaliwanag pa nito na ang pinaka-susi sa tagumpay ng isang atleta ay ang disiplina, paghahanda at critical thinking sapagkat ito aniya ang magdadala sa kanila sa inaasam nilang tagumpay sa anomang sports na kanilang lalahukan sa darating na hinaharap.

“Ibang-iba ang nahuhubog na disiplina ng atleta para sa paghahanda. At pag nasa kumpetisyon na, maasahan niya siya ay magtatagumpay dahil sa kaniyang critical thinking,” sabi ni Romero.

Ipinahayag pa ni Romero na ang critical thinking ay nangangahulugan na kailangang maging matalas ang isip ng isang atleta at kaya nitong basahin ang galaw ng kaniyang katunggali pati narin ang kaniyang mga nasa paligid at maunahan ang kilos ng kalaban.

“Kailangang mabasa niya ng husto ang nasa paligid niya at ma-anticipate ang kilos ng kalaban,” ayon pa sa kaniya.