Danish amba bumisita sa Kamara

143 Views

NAG-COURTESY call kay Speaker Martin G. Romualdez si Danish Ambassador to the Philippines His Excellency Franz-Michael Mellbin.

Sinabi ni Mellbin na nagpahayag ang Denmark ng kahandaan na sumuporta sa Pilipinas partikular sa paglikha ng mga polisiya kaugnay ng enerhiya.

Ayon kay Mellbin ang Denmark ay mayroong mahabang karanasan sa paglinang at paggamit ng renewable energy. Nasa 70 porsyento umano ng kuryente sa Denmark ay mula sa wind at solar power.

Sinabi naman ni Speaker Romualdez kay Mellbin na ang mga panukalang itinutulak ng Kamara ay nakasunod sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. batay sa kanyang mga inilahad sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Si Mellbin ay mainit ding tinanggap ng mga lider ng Kamara gaya nina Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Committee on Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy Chairperson Rep. Glona Labadlabad, Committee on Foreign Affairs Chairperson Rep. Ma. Rachel Arenas, at Palawan Rep. Jose Alvarez.