Calendar

Dapat magkaroon ng mas malakas at maigting na kampanya laban sa illegal recruitment at human trafficking -Oducado
BINIGYANG DIIN ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado na dapat magkaroon ng mas malakas at maigting na kampanya ang gobyerno laban sa organisadong sindikato ng illegal recruitment at human trafficking.
Pagkatapos ng ginanap na pagdiriwang ng Migrant Worker’s Day, nananawagan naman ang bagitong kongresista sa pamahalaan upang maglunsad ng malawakang kampanya o isang crackdown laban sa talamak na illegal recruitment at human trafficking.
Ipinahayag ni Oducado na napapanahon na para tuluyan ng puksain ang nasabing problema sapagkat napakarami ng inosenteng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kanilang nabibiktima kung saan ang ilan sa kanila ay napapariwara sa ibang bansa.
Paliwanag pa ni Oducado na kalunos-lunos umano ang nagiging kalagayan ng mga kababayan nating OFWs sa ibayong dagat dahil may mga kaso na ang isang migranteng Pinoy ay mina-maltrato ng kaniyang amo habang ang iba naman ay namamatay.
Sabi ni Oducado na ang mga pangyayaring ito ay nag-uugat sa talamak na problema ng illegal recruitment at human trafficking kung saan pinapangakuan ang isang OFW ng magandang trabaho sa ibang bansa subalit malayo sa katotohanan.
Dahil dito, tiniyak ng mambabatas na sa pagpasok ng 20th Congress sa susunod na buwan, ang isa sa kaniyang mga tututukan at gagawing prayoridad ay ang kaso ng mga OFWs na nagiging biktima ng human trafficking at illegal recruitment.
Samantala, naging mainit naman ang pagsalubong ng Capiz Chambers of Commerce kay Oducado sa pangunguna ni Ginoong Bub Ong. Kasunod nito ang paglakay ng nasabing grupo sa “investment road map” para makatiulong sila sa pamahalaan.
Layunin ng grupo sa kanilang pagpupulong na maggamit ang sa tama ang pondo ng gobyerno para narin sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.