Valeriano

Dapat may managot sa ikakasang joint investigation ng Kamara hinggil sa POGO, etc. — Valeriano

Mar Rodriguez Aug 8, 2024
94 Views

𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗿𝘂𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 j𝗼𝗶𝗻𝘁 i𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗢𝗳𝗳𝘀𝗵𝗼𝗿𝗲 𝗚𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀 (𝗣𝗢𝗚𝗢). K𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗱𝘂𝗴𝗼𝗻𝗴 “𝘄𝗮𝗿 𝗼𝗻 𝗱𝗿𝘂𝗴𝘀” 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗮-𝗝𝘂𝗱𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗞𝗶𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴𝘀 (𝗘𝗝𝗞).

Binigyang diin ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na naniniwala siya na ang pangunahing layunin ng isasagawang pagsisiyasat ng bubuuing joint committee sa Kongreso ay upang makamit ang hustiya para sa mga naging biktima ng mga nabanggit na kontrobersiya lalo na aniya ang EJK.

Bilang reaction sa ikakasang pagsisiyasat ng joint jnvestigation ng apat na House Committee, sinabi ni Valeriano na isang napakatapang at mahusay na desisyon ang naging hakbang ng liderato ng Kamara de Representantes sapagkat isinasa-alang alang nito ang kapakanan at kagalingan o welfare ng mamamayang Pilipino partikular na ang mga naging biktima ng “injustice”.

Nananawagan din ang kongresista sa publiko na makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng Kongreso para malantad ang buong katotohanan patungkol sa mga nasabing issues na sisikaping kalkalin ng mga kongresista sa joint investigation.

“The joint investigation is a very brave move by the House leadership. Let us call on the citizens to support this effort and provide info about those who propel these activities in the country. The big syndicates must be known and be held accountable. High time they were punished for their crimes,” sabi ni Valeriano.

Nauna rito, tumayo sa plenaryo ng Kamara si House Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Cong. Aurelio “Dong” D. Gonzales, Jr. upang ilatag ang kaniyang inisyatibo hinggil sa pagsasama-sama o pagbubuo ng isang Joint Committe para imbestigahan ang mga pangunahing kontrobersiya na magkaka-ugnay gaya ng usapin sa POGO, illegal drugs, EJK, human trafficking, miney laundering at iba pa.

Dahil dito, sinusuportahan ni Valeriano ang inihaing House Resolution No. 1843 nina Cong. Joel Chua ng Manila at Patrick Michael “PM” D. Vargas ng Quezon City na nagmumungkahi na pag-isahin ang mga imbestigasyon ng tatlong Komite ng House Committee on Dangerous Drugs, House Committee on Public Order and Safety at House Committee on Human Rights.